ANG MASIPAG AT ANG TAMAD
Ang ama'y pumanaw, sa kanila'y habilin
malawak na lupain, paghati-hatian
pamanang lupain, magkakasinsukat
sa magkakapatid na ang bilang ay apat
Ang mga magkakapatid, di pare-pareho
dalawa ay masipag, dalawa ay tamad
dalawa'y masikap maglinang ng bukid
dalawa'y pabaya, di natutong magtipid
Ang buhay ng mga masisipag ay naging sagana
samantalang ang mga tamad sa hirap sumadlak
pag-aari ng tamad, naging sa masipag
kaypalad talaga, masisipag na anak
Ngayon ang may-ari, pamana sa apat
ay dalawa na lang ang nag--iingat
samantalang ang anak na mabisyo't tamad
ay sa kahirapan, na nga nasadlak
DIWA: Walang maiidulot na maganda ang pagiging tamad. Kailangan mong magsikap upang iyo'y matatamo ang kasaganahan gayundin ang magandang kinabukasan. Ang bawat pamana dapat pahalagahan upang manatiling nariyan kahit sa paglipas ng panahon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento