ANG BATO
Sa bawat paglakad ay di maiwasan
batong nakakalat sa ating daanan
sa liit ay tila
walang pakinabang
ngunit kung silbi
ang pag-uusapan
ang batong kayliit
ay puwedeng magyabang.
Bato ang ginamit sa mga gusali
bagay ng kaytigas kaysa sa ating kamao
ginawang paalala sa mga bayani
mga batong inukit, at ginawang monumento.
Minsan ay kayrungis kung iyong titingnan,
na halos itaboy at saka pandirihan
ngunit ang iba ay linisan lamang
at iyong makikita, nakatagong yaman.
Ginto at pilak, saan ka nanggaling,
nagkukubli lamang sa
batong malalim
diyamante't brilyante,
ano ka at sino ka?
Di ninyo nalalama'y isa ring bato.
Diwa: Ipinapakita sa tula ang kahalagahan ng bato sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Ito ay maraming nagagawa sa buhay ng tao. Ito ay pwedeng pakinabangan ng tao sa kanyang araw-araw na pamumuhay.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento