ANG BANSA, ANG WIKA AT DIWA
" Ang di magmahal
sa sariling wika
mahigit pa sa hayop
at malansang isda"
Ang mga katagang
si Rizal naglikha
para ating mahalin,
pambansang wika
Wika ang kaluluwa
ng ating bansa
wika ang nagbubuklod
sa ating mga diwa
kaya't magkaisa
tayong mga Pilipino
at ang wika'y mahalin
ng buong puso
Wikang sinasambit
ng bata't matanda;
mga Pilipino
na may isang diwa
diwang nagtaguyod
sa ating inang bansa
kaya't ipagmalaki,
isang bansa, wika't diwa.
DIWA: Ang isang bansa ay pinagbubuklod ng wika at may isang diwa. Wika na siyang daan upang makapagkomunikasyon sa ibang tao. Kaya pahalagahan ang anumang yaman ang mayroon sa ating bansa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento