ANG TAHANAN
Maliit na kubo, tahanan kung tawagin
ngunit mala-palasyo sa aking paningin
Si Ama, si Ina, ang buong pamilya
ang nagbibigay buhay sa munting bahay
bahay na nahagkan ng panahong nagdaan
lugar kung tawagin ay isang tahanan.
Di ko malaman at di mapagtanto
kung bakit sa tahanan ay ayaw lumayo
marahil ay dahil sa mga alaala
na hindi na mabubura sa aking isipan
mga alaala ng pag-iyak at pagtawa
mga alaala sa aming tahanan.
Tahanan na humubog sa aking pagkatao
ng sa aking pantanda'y di ko malilimot
mga aral na natutunan sa aming tahanan
mga bagay na maituturing na kayamanan.
Aking gabay, kahapong nagdaan
kahapong nanahan sa aming tahanan
Ako'y nagpapasalamat sa Diyos na mahabangin
at ang aming tahana'y di nabuwag ng hangin
lagi sanang pagpalain ng ating Maykapal
mga kasambahay na sa pag-ibig ay sakdal
kasama ang tahanang di gaanong magara
ngunit nag-aruga sa aking pagkabata.
DIWA; Isang tahanan na binubuo ng isang kumpleto na pamilya na kung saan mayroong pagmamahal sa bawat isa. Dito rin nahuhubog ang ating buong pagkatao at tahanang may masasakit at masasayang alaala. Tahanan na mayroong gumagabay sa mga anak sa pagtupad ng mga kanilang pangarap at hangarin sa buhay.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento