BUNDOK
Umbok ng lupang hinubog ng Diyos
Sa ating paglapit ay napakatayog
Tila higanteng himbing sa pagtulog
Mga ulap sa taas sa kanya'y yumapos.
Bundok na sa tayog, tila nagyayabang
Minsa'y sa dagat, tila nakalutang
Laging nakabantay sa kalawakang ganap
Laging nahahagkan ng mga alapaap.
Kaykinis niyang lupain, mga hayop nanahan
Ngunit sa malapitan ay kay daming bangin
Sa kanya ri'y umaagos kaylinis na batis
Batis na kay lamig, pinalamig ng hangin.
Bundok na sa kanya'y may gintong nabubungkal
Ng taong di matutong sa kanya'y magmahal
Sadyang mapagbigay, bundok na may buhay
Kaya't dapat mahalin at pagka-arugain..
DIWA: Ang bundok ay isa sa mga nilikha ng Diyos. Isang bundok na kung saan parating nangingibabaw, may mga likas na yaman na maipagmalaki a mundo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento