BAYANG TINUBUAN
Bayang tinubuan, napakadakila
buong pusong iniibig, bayang may prinsipyo
pag-ibig na alay sa tinubuang lupa
ay gaya ng winika ni Gat Bonifacio:
"Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala."
Bayani'y nakipagdigma, hangad ay kalayaan
kalayaan na sa baya'y kanyang pinakayaman
nagbuwis ng pawis, dugo at buhay
bayaning dakila, upang tayo'y lumaya.
Bago humihimbing, ating ipanalangin
bayang nagkupkop,nag-aruga sa atin
nararapat lamang na ating mahalin
ating inang bayan, bayang tinubuan.
DIWA: Sa bayang tinubuan na kung saan tayo naninirahan ating ipagmalaki at ibigin kung ano ang mayroon sa ating inang bayan at magpasalamat sa mga bayani na nagbuwis ng buhay upang tayo'y maging malaya sa mga banyaga.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento