KAYA PALA!!!
Bakit aking magulang ako;y pinapalo
at nanunumbat pagkatapos paluin
sa salita't tampo'y aking napagtanto
di nila ako mahal, ayaw nila sa akin.
Sa sakit ng kalooban
nagtungo kung saan
maraming mga tanong
naghanap ng kasagutan
Isa ring magulang
ang aking nakita
sa kanya'y nagtanong
kung bakit ganito
Ang sabi niya sa aki'y
mahal niya ako
ayaw lang nilangmapahamak
ako, na kanilang anak
Ako'y nagising, nasabi sa sarili
pagpalo ay damahin, aral ang mithiin.
DIWA:Huwag nating isipin na ang pagpalo ng ating mga magulang ay nangangahulugan na tayo'y di na nila mahal kundi ito'y isang paraan para tayo'y maging matino at may magandang asal.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento