ANG BATANG ULIRAN
Batang masunurin, batang magulang
batang di sumusuway sa mga magulang
sa lahat ng oras, sana'y pagpalain,
ng Poong Maykapal ang kanyang dalangin.
Sa araw-araw, ang ina'y nagbibilin
ng utos na sana ay lagi niyang sundin
bigyang-dangal sana ang mahal niyang ama
ang sabi sa bilin ng irog niyang ina.
Ulirang bata, ang mabuti ay tularan,
ang masamang gawain ay iyong iwasan
upang sa pagdating ng kinabukasan
ang ugaling wasto ay maging sandigan.
Sa nakatatanda siya'y laging magalang
at mapagparaya sa mga kaibigan
ang ulirang bata, sa kanyang paaralan
ay huwaran talaga sa katalinuhan.
DIWA: Isang ulirang bata na may magandang asal na nagbibigay inspirasyon sa bawat isa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento