ANG ALAMAT NI PRINSESA MANORAH (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta) Isang alamat na pasalin-salin sa iba't ibang panahon at henerasyon mula noong panahon ng Ayutthaya at nagbibigay-inspirasyon kay Haring Rama V. ng Thailand. Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesa ng alamat ng Thai at ang pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree. Siya ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Sila'y nakalilipad at nagagawang itago ang kani-kanilang pakpak kung kanilang nanaisin. ...
Mga Kwentula
nakapaloob dito ang mga maikling kwento at tula.